paborito
5/13/2020 in Poems
Hindi lang ako dahil marami ang may paborito sayo.
Lahat handang maging bahagi ng iyong kwento.
Ngunit sa likod ng iyong entablado
naroroon akong nakatayo
habang abala ka sa aliw ng iyong mundo.
Kung paligsahan ito ay sigurado na ang pagkatalo
dahil ang tanging maipagmamalaki ko lang
ay ang mga kamay na laging handang sumalo.
Habang buhay itong totoo.
Madalas man manginig sa ngawit
ay hindi kailanman ininda ang sakit
Dahil binubura ng mga ngiti mo
ang pait ng paghihintay sa muli mong paglapit.
Marami sakin ang nagagalit
dahil hindi marunong makinig
ang pusong kayang ipagpalit
ang mga sandali hanggang sa ikaw ay makamit.