sa lunan icon

ngayo’y pati ikaw.

4/5/2024 in Poems

Sa’yo ko unang naramdaman

ang lamig na kahit na magkasama

ay parang nag-iisa;

at kahit magkausap

ay hindi magtagpo ang mga mata.

Sanayin man ang sarili

sa lamig ng mundo,

hindi malilimutan ang init

na unang naramdaman

noong gabi pa lamang ang malamig;

dahil ngayo’y pati ikaw.

salunan.com

© Copyright 2026